News »


Shallow Tube Well Set para sa mga Magsasaka

Published: November 19, 2021 01:00 PM



Binigyan ng shallow tube well ang ibaít ibang asosasyon ng magsasaka sa lungsod na kinabibilangan ng Sto. NiŮo 2nd Farmerís Association, Caanawan Farmerís Association, Bagong Sikat Farmerís Association, at Sibut Farmersí Workers Association. 

Isinagawa ang pamamahagi ng shallow tube well simula nitong Lunes, sa pangunguna ng City Agriculture Office, kasama sina City Agriculturist Violeta Vargas, Mayor Kokoy Salvador at ilang konsehal.

Sa darating na linggo, mabibigyan naman ang Banbana Farmerís Association ng Barangay Sto. Nino 3rd.

Ibinaba sa lungsod ang nasabing ayuda mula sa Department of Agriculture o DA Regional Office para makatulong sa patubig ng mga magsasaka. 

Ayon kay Vargas, ang mga nakatanggap ng nasabing gamit ay mga aktibong asosyasyon at may kaukulang mga dokumento o patunay.

Taos-pusong pasasalamat naman ang tugon ng mga benepisyaryong tumanggap at nangako silang iingatan ito upang mapakinabangan nila nang matagal sa kanilang pagsasaka.