News »


Gabi ng Mamamayan - Pagibang Damara Festival 2022

Published: May 03, 2022 09:00 AM



Nagsama-sama ang mga San Josenio para sa isang gabi ng kasiyahan at sayawan sa Gabi ng Mamamayan noong Sabado (Abril 30) sa City Social Circle.

Dumalo at nakisaya sa naturang pagtitipon si Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama ang kanyang maybahay na si Ginang Veronica Salvador, at Konsehal Ali Salvador.

Naroon din ang mga opisyal ng mga barangay at ibat ibang samahan.

Nagtanghal dito ng natatanging bilang ang ilang grupo gaya ng Kalinga San Jose, SexBomb Girls, ReCreate Dance Group, WBesso, pati na ang mga asawa ng ilang Kapitan.

Mas pinasigla pa ang okasyon ng D Original Santiago Brothers Orchestra na tumugtog sa gabing iyon. 

Nagbigay saya rin sa mga dumalo ang inihandang salo-salo para sa kanila at raffle.