COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Vaccination Sched - February 10, 2022

Published: February 09, 2022 10:30 AM



Magkakaroon ng pagbabakuna sa Public Market Covered Court sa Pebrero 10, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, bukod pa sa gaganaping pagbabakuna sa San Roque Street Covered Court.

Available ang 1st dose, 2nd dose at Booster. 

PAALALA: 
- Kailangang may tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mabakunahan ng second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, o Sputnik V bago magpa-booster shot.
- Ang mga nabakunahan ng Janssen (J&J) ay maaaring makakuha ng kanilang booster shot makalipas ang dalawang buwan mula sa kanilang first dose.
Hindi maaaring magpabakuna kung:
x may sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat, sore throat, o iba pang sintomas ng COVID-19
x Close Contact o na-expose sa taong positibo sa COVID-19 hanggat hindi pa tapos ang itinakdang quarantine period

Para sa mga katanungan ukol sa COVID-19 vaccination, tumawag sa City Health Office (CHO): 0949 313 4686