News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija



Gift pack na matatanggap ng City Day Babies

Nakahanda na ang gift pack na matatanggap ng City Day Babies o mga sanggol na ipapanganak sa ika-10 ng Agosto, kasabay ng ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.
Published: August 08, 2022 10:43 AM

Pause and Reflect activity ang City Leadership Team (CLT)

Nagsagawa ng dalawang araw na Pause and Reflect activity ang City Leadership Team (CLT) ng The Challenge Initiative (TCI) sa pamumuno ng Zuellig Family Foundation (ZFF) at pakikipag-ugnayan ng PopCom Region III kaugnay sa pagtataguyod sa lungsod bilang Youth-Friendly City.
Published: August 08, 2022 10:42 AM

PNP San Jose City, may bagong hepe

Itinalaga bilang bagong hepe ng Pulisya sa lungsod si PLtCol. Marlon M. Cudal, kapalit ni PLtCol. Palmyra Guardaya.
Published: August 08, 2022 10:37 AM

POWAS sa Brgy. Villa Marina, tatlo na

Isa na namang Potable Water System (POWAS) na maghahatid ng malinis at ligtas na tubig sa mga residente ng Brgy. Villa Marina ang pinasinayaan ngayong araw (Hulyo 28).
Published: July 29, 2022 09:01 AM

Cookfest sa Porais

Iba’t ibang klase ng luto ng tokwa o tufo ang inihain ng mga kalahok sa ginanap na cookfest sa Brgy. Porais nitong umaga (Hulyo 27) para sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon.
Published: July 29, 2022 08:59 AM

Cookfest sa Culaylay

Iba’t ibang katakam-takam na putahe ang inihain ng pitong grupo ng kababaihan sa isinagawang Cooking Contest sa Brgy. Culaylay kahapon ng umaga (Hulyo 25) bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng 48th Nutrition Month ngayong Hulyo.
Published: July 27, 2022 10:30 AM

Work Ethics and Responsibilities, itinuro sa mga kawani ng PDAO

Ipinagpatuloy hanggang ngayong araw (Hulyo 25) ang pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week sa pamamagitan ng isang seminar tungkol sa work ethics and responsibilities para sa mga kawani ng Person with Disability Affairs Office (PDAO).
Published: July 27, 2022 10:28 AM

Cook Fest at Little Miss Nutrition 2022

Pasarapan at pagalingan sa pagluluto ang ipinamalas ng mga nanay sa isinagawang Cook Fest sa Barangay Pinili kahapon (Hulyo 19), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.
Published: July 21, 2022 11:48 AM

Programang B.E. C.A.R.E.F.U.L., inilunsad ng PNP San Jose

Upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng rape, inilunsad ng PNP San Jose sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ang programang Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unwanted Lewd Design o B.E. C.A.R.E.F.U.L.
Published: July 19, 2022 03:06 PM

The Challenge Initiative Program sa Lungsod

Bumisita nitong Biyernes (July 15) sa lungsod ang ilang kinatawan ng PopCom National at Regional Office upang kumustahin ang kalalukuyang estado The Challenge Initiative (TCI), isang programa ng Bill & Melinda Gates Foundation at ng Zuellig Family Foundation na layuning matugunan ang mga isyung may kinalaman sa populasyon lalo na ang pagtaas ng insidente ng teen pregnancy. 
Published: July 19, 2022 03:03 PM

Bagong Sto. Niño 1st Day Care Center, Pinasinayaan

Pinasinayaan kahapon (Hulyo 11) ang bagong Sto Niño 1st Day Care Center, kung saan pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang ribbon-cutting ceremony, kasama sina City Councilor Vanj Manugue at Sto Niño 1st Barangay Captain Roderick de Leon.
Published: July 15, 2022 09:34 AM

Ikatlong POWAS sa Palestina, pinasinayaan

Pormal nang ibinigay ng lokal na pamahalaan ang pamamahala sa ikatlong POWAS sa Palestina na matatagpuan sa Zone 2 sa isang seremonyas na isinagawa nitong Huwebes (Hulyo 7).
Published: July 11, 2022 08:56 AM

Buwan ng Nutrisyon

Pormal na inilunsad ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Tanggapan ng Nutrisyon ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may tema ngayong taon na “New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon!”.
Published: July 05, 2022 11:18 AM

Bagong Administration Building ng Public Market Office

Pinasinayaan ang bagong Administration Building o gusali ng Public Market Office (PMO) sa isinagawang Ribbon-Cutting and Turnover Ceremony kaninang umaga (Hulyo 1) na pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si PMO-OIC Danilo Ariem at mga kawani ng nasabing tanggapan.
Published: July 05, 2022 11:16 AM

DILG, kinilala ang Drug Rehabilitation Program ng lungsod

Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Sertipiko ng Pagkilala ang Lungsod San Jose dahil sa pagiging huwaran nito sa pagpapatupad at pagpapatuloy ng Community-Based Drug Rehabilitation and Aftercare Program dito.
Published: July 01, 2022 09:20 AM

Lungsod San Jose, Tumanggap ng Parangal mula sa DENR

Ginawaran ng parangal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region III ang Lungsod San Jose para sa “Outstanding Practices in Composting Operation” sa isang pagtitipon na ginanap nitong umaga, June 29, sa Widus Hotel, Clarkfield, Pampanga, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalikasan.
Published: June 30, 2022 04:45 PM

Panunumpa sa Katungkulan

Nasaksihan kaninang umaga (Hunyo 27) sa Bulwagang Sosyal ng munisipyo ang Panunumpa sa Katungkulan ng mga naihalal na opisyal ng Lungsod San Jose sa nakaraang eleksiyon noong Mayo 9.
Published: June 27, 2022 01:30 PM

Araw ng Kalayaan 2022

Kaisa ang Lungsod San Jose sa pagdiriwang ngayong Hunyo 12 ng Araw ng Kalayaan na may temang “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”.
Published: June 13, 2022 03:06 PM

Official Results - San Jose City Election 2022

Mayor:Hon. Mario O. SalvadorVice-Mayor:Hon. Ali SalvadorCouncilors:1. Hon. Vanj Manugue2. Hon. Mawie Munsayac3. Hon. Trixie Salvador4. Hon. Ed Fernandez Agliam5. Hon. Banjo Munar6. Hon. Manuel Chua Jr.7. Hon. Roy Andres8. Hon. Neneng Adawag9. Hon. Glenda Felimon10. Hon. Dr. Susan Corpuz
Published: May 11, 2022 04:18 PM

Off-road Challenge - Pagibang Damara Festival 2022

Makapigil hiningang Off-Road Challenge ang napanood sa Brgy. Caanawan nitong Linggo (May 1), kung saan iba’t ibang uri ng 4x4 na sasakyan ang nagpamalas ng tatag at angas sa kabila ng maputik at mahihirap na obstacle courses
Published: May 11, 2022 04:16 PM

Chess Tournament - Pagibang Damara Festival 2022

Pitumpu’t limang (75) chess players ang nagtagisan ng galing sa ginanap na Open-PWD Chess Tournament sa WalterMart San Jose nitong huling araw ng Pagibang Damara Festival, Mayo 1. 
Published: May 11, 2022 04:15 PM

Zumba Fiesta - Pagibang Damara Festival 2022

Masiglang umaga ang sumalubong sa huling araw ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival noong Linggo (May 1) sa ginanap na Zumba sa Keg-Keg na pinangunahan ng Zumba in the City (ZITC).
Published: May 11, 2022 04:14 PM

Dog Fashion Show - Pagibang Damara Festival 2022

Nag ala-supermodel ang 59 na aso kasama ang kani-kanilang fur parents (pet owners) sa ginanap na "Dog Fashion Show and Look-Alike Contest" nitong umaga (Abril 30) sa Pag-asa Sports Complex.
Published: May 11, 2022 04:04 PM

Senior Citizen's Night - Pagibang Damara Festival 2022

Tunay ngang “young at heart” pa rin ang humigit-kumulang 1,200  lolo at lola sa lungsod na aktibong nakiisa sa ginanap na Senior Citizens’ Night kagabi (April 28) sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2022.
Published: May 11, 2022 04:02 PM

Gabi ng Pasasalamat - Pagibang Damara Festival 2022

Nagtipon-tipon kagabi (Abril 28) ang mahigit 2,000 miyembro ng San Jose City Pastoral Movement sa City Social Circle para sa Gabi ng Pasasalamat na pinangunahan ni Ptr. Bong Vicente, Chairman ng SJC Pastoral Movement.
Published: May 11, 2022 04:00 PM

Kasalang Bayan - Pagibang Damara Festival 2022

Naisakatuparan din ang pag-iisang dibdib ng 70 pares ng magsing-irog sa lungsod sa Mediterranean-themed na Kasalang Bayan na idinaos sa City Hall Courtyard nitong Miyerkoles (Abril 27). 
Published: May 11, 2022 03:55 PM

Mr. and Ms. San Jose Pre-pageant Night

Naggagandahang kasuotan na sumasalamin sa kultura ng iba't ibang lugar sa Pilipinas ang inirampa ng mga kandidato para sa Mr. & Miss San Jose City 2022 sa preliminary competition na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex nitong Sabado, Abril 23. 
Published: April 28, 2022 02:30 PM