News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija



20th ICATSAA, Umarangkada

Dumagundong ang Pag-asa Sports Complex sa pagbubukas ng 20th season ng Inter-Collegiate and Technical Schools Athletes’ Meet (ICATSAA) kahapon, Oktubre 17 na sinalihan ng sampung pribadong paaralan sa lungsod.
Published: August 22, 2018 03:32 PM

Palengke ng San Jose, Pinarangalan

Isa nanamang karangalan ang natanggap ng Lungsod ng San Jose matapos parangalan bilang isa sa Pinakamaringal na Pamilihang Bayan sa buong Nueva Ecija ang Public Market ng lungsod nito lamang nakaraang Biyernes, Oktubre 13.
Published: August 22, 2018 03:31 PM

High School Students, Bumida sa 2017 Division Pop Quiz

Nagtagisan ng galing at talento ang mga high school students mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa ginanap na 2017 Division Population Quiz o Pop Quiz nitong Oktubre 18 sa Sto. Niño 3rd High School.
Published: August 22, 2018 03:31 PM

Blue Team, dineklarang over-all champion sa LGU Sports Fest

Pagod at abala man sa kani-kanilang trabaho, naisingit din ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang taunang LGU Sportsfest sa kanilang kalendaryo at nito ngang Biyernes, Oktubre 13, ay ginanap ang Championship & Awarding Ceremony. Ang Sports Fest ay idinadaos para na rin mapatibay ang kanilang samahan tungo sa mas maganda at maayos na serbisyo sa bayan.
Published: August 22, 2018 03:04 PM

40% salary para sa SPES Batch 2, naibigay na

Natanggap na ng pangalawang batch ng mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang 40% ng kanilang suweldo na kanilang pinagtrabahuan nitong summer vacation.
Published: August 22, 2018 03:04 PM

Mga Katutubo sa Lungsod, Binigyang Pugay

Bilang huling bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo (National Indigenous People’s Month) sa lungsod, pinagkalooban ng mga katutubong kasuotan ang mga mag-aaral ng Batong Lusong Elementary School nitong Lunes, Oktubre 30 sa San Jose West Central School.
Published: August 22, 2018 03:04 PM

Halloween Costume Fun Ride 2017

Bumida sa Halloween Costume Fun Ride ang SJC Mountain Bikers kasama ang ilan pang San Josenians na umikot sa lungsod, suot ang kanilang nakakatakot at mala-fairy tale na costume nitong Martes, Oktubre 31.
Published: August 22, 2018 03:04 PM

Mayor Kokoy Salvador, Pinasalamatan ng Department of Agriculture

Binigyang pasalamat ng Department of Agriculture Regional Office III si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa ginanap na Good Agricultural Practices (GAP) Forum and Awarding of Certificates nitong Nobyembre 3 sa San Fernando City, Pampanga.
Published: August 22, 2018 03:04 PM

Zumba in the City, bumida rin sa Halloween

Sama-samang umindak ang mga San Josenians suot ang kani-kanilang Halloween costumes sa ginanap na “Zumba in the City 1st Anniversary and Halloween Party” nitong Oktubre 30 sa Public Market.
Published: August 22, 2018 03:03 PM

Mga nagsipagwagi sa ICFP Program, kinilala

Pinarangalan ngayong araw (Nobyembre 8) ang mga barangay na nanalo bilang Best Community Garden, Best Home Garden, at Most Outstanding Beneficiary sa isinagawang Field Day and Nutrition Fair sa Barangay A. Pascual.
Published: August 22, 2018 03:03 PM

Kabataang San Josenio, namayagpag sa Batang Pinoy

Tunay ngang maipagmamalaki ang mga kabataang San Josenio sa kahit anong larangan ng sports. Sa katunayan, isang karangalan na naman ang naiuwi ng mga pambato ng lungsod sa idinaos na Batang Pinoy Luzon Leg nitong Oktubre 21-27 sa Vigan, Ilocos Sur na sinalihan ng higit 5,000 atleta mula sa iba’t ibang bayan at lalawigan.
Published: August 22, 2018 03:03 PM

Lungsod ng San Jose, muling nagningning

Nagliwanag at naging makulay ang Lungsod ng San Jose matapos pailawan ang higanteng Christmas tree at mga Christmas lights dito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon.
Published: August 20, 2018 04:32 PM

Documentary Film ng Kalasag, Inilunsad

Nagtipon ang mga miyembro ng KALASAG Farmers Producers Cooperative at mga kawani ng City Cooperative Development Office para saksihan ang paglulunsad ng documentary film ng kooperatiba noong nakaraang Miyerkules, November 8 na mula sa produksiyon ng Jollibee Group Foundation.
Published: August 20, 2018 04:32 PM

Mga Environment-Friendly Parol, Bumida sa Parada

Naggagandahan at naglalakihang mga parol ang itinampok sa Lantern Parade kagabi na gawa ng mga estudyante at mga guro mula sa iba't ibang paaralan sa lungsod gamit ang recycled materials.
Published: August 20, 2018 04:32 PM

Tree planting na bahagi ng Cash for Work Program, isinagawa

Bilang suporta sa mga programang pangkalikasan ng Lokal na Pamahalaan, nagsagawa si Mayor Kokoy Salvador ng isang Tree Planting Activity kung saan nakapagtanim ng 300 na puno sa Zone 7, Sitio Banaba, Brgy. Sto. Niño 3rd kaninang umaga (Nov 17).
Published: August 20, 2018 04:32 PM

Bagong Police Patrol Cars, Inihandog sa PNP San Jose

Bilang tulong at suporta sa programang seguridad at kaligtasan para sa mga mamamayan ng lungsod, nagbigay ng dalawang bagong Police Mobile Patrol Car ang Lokal na Pamahalaan sa PNP-San Jose.
Published: August 20, 2018 04:31 PM

Kabataang San Josenians, nagtagisan sa Chorale Competition

Tunay na damang-dama na ang Kapaskuhan sa San Jose matapos magtanghal ang pitong paaralan sa elementarya Lunes ng gabi, Nobyembre 20, sa City Social Circle at umawit ng iba’t ibang Christmas songs sa ginanap na Chorale Competition (Elimination Round).
Published: August 20, 2018 04:31 PM

Galing sa Declamation at Storytelling ipinamalas

Nagtagisan kahapon (Nobyembre 21) ang mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa Declamation at Storytelling Contest na inorganisa ng City Library para sa selebrasyon ng National Book Week sa taong ito.
Published: August 20, 2018 04:31 PM

Special Home Study Program Batch 6, nagtapos

Masayang nagtapos ang 19 na Persons with Disability (PWD) na kabilang sa ika-anim na batch ng programang Hatid Dunong Part IV: Special Home Study Program ng Panlungsod na Aklatan (City Library).
Published: August 20, 2018 04:31 PM

2nd Mayor’s Cup Basketball Tournament, nagsimula na

Bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa larangan ng sports, pormal nang binuksan ang 2nd Mayor Kokoy Salvador Inter-Commercial Basketball League 2017 nitong Nobyembre 24 na ginanap sa Pag-asa Sports Complex, F.E. Marcos, San Jose City.
Published: August 20, 2018 04:31 PM

Mga Batang Filmmaker, kinilala sa PopCom Film Fest

Lumabas ang pagiging malikhain sa paggawa ng pelikula ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Region III sa ginanap na PopCom 2017 Regional Adolescent Health and Development Film Festival.
Published: August 20, 2018 04:30 PM

Chorale Competition – 2nd Elimination Round

Kasabay ng pagdating ng hanging amihan, lalong naramdaman sa lungsod ang presensiya ng Kapaskuhan matapos marinig ang mala-anghel na tinig ng mga mag-aaral sa lungsod sa ginanap na Chorale Competition Elimination Round noong Biyernes (Nobyembre 24) sa City Social Circle.
Published: August 20, 2018 04:30 PM

Chorale Competition – 2nd Elimination Round

Kasabay ng pagdating ng hanging amihan, lalong naramdaman sa lungsod ang presensiya ng Kapaskuhan matapos marinig ang mala-anghel na tinig ng mga mag-aaral sa lungsod sa ginanap na Chorale Competition Elimination Round noong Biyernes (Nobyembre 24) sa City Social Circle.
Published: August 20, 2018 04:30 PM

Dairy farmers ng lungsod, pinarangalan sa Carabao Conference

Nag-uwi ng karangalan ang mga natatanging dairy farmer (magsasakang maggagatas) ng San Jose City sa ginanap na 3rd National Carabao Conference sa Philippine Carabao Center (PCC), Science City of Muñoz nitong Nobyembre 27.
Published: August 20, 2018 04:30 PM

VP Leni Robredo, bumisita sa San Jose

Mainit na sinalubong ng San Josenians si Vice President Leni Robredo na dumalaw kahapon sa lungsod para sa iba’t ibang aktibidad.
Published: August 20, 2018 04:30 PM

VP Leni Robredo, bumisita sa San Jose

Mainit na sinalubong ng San Josenians si Vice President Leni Robredo na dumalaw kahapon sa lungsod para sa iba’t ibang aktibidad.
Published: August 20, 2018 04:30 PM

Federated Parents Teachers Association, Nanumpa

Pinangunahan ni City Mayor Kokoy Salvador ang Oath taking Ceremony ng mga miyembro ng Federated Parents Teachers Association (FPTA) ng ginanap mismo sa kaniyang tanggapan kanina (December 4).
Published: August 20, 2018 04:29 PM

Little City Officials, nanungkulan na

Nagsimula na kahapon (December 4) ang mga kabataang magsisilbing munting opisyal ng Lokal na Pamahalaan sa loob ng limang araw upang gampanan ang kani-kanilang mga tungkulin kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Published: August 20, 2018 04:29 PM

Social Pension ng Senior Citizens, ipinamahagi

Dumagsa sa munisipyo nitong Martes at Miyerkules (December 5-6) ang mga senior citizen mula sa 38 barangay sa lungsod upang tanggapin ang kanilang pensiyon mula sa gobyerno sa ilalim ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office.
Published: August 20, 2018 04:28 PM

Libreng corn seeds, ipinamahagi

50 bags ng corn seeds ang naipamahagi kahapon (December 11) sa mga magsasaka ng mais na nakarehistro sa Agriculture Office.
Published: August 20, 2018 04:27 PM

Lungsod ng San Jose, kinilala ng Commission on Population

Nakatanggap na naman ng panibagong pagkilala ang lungsod matapos igawad ng Commission on Population (POPCOM) ang Plaque of Appreciation dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng proyektong Local Migration Information System (LMIS) ng City Population Office.
Published: August 20, 2018 04:27 PM

i?SJC Interactive Fountain, napapanood na

Dinarayo na ngayon ang i?SJC interactive fountain na nasa harap ng City Hall matapos itong opisyal na pasinayaan noong Biyernes (December 15).
Published: August 20, 2018 04:27 PM

Sto. Niño 3rd HS at SJC West CS, kampeon sa Chorale Competition

Muling pinatunayan ng Sto. Niño 3rd High School at San Jose West Central School ang kanilang husay sa pag-awit matapos iuwi ang kampeonato sa Secondary at Elementary category sa katatapos na Chorale Competition na ginanap sa City Social Circle noong Biyernes (December 15).
Published: August 20, 2018 04:27 PM

Lokal na Pamahalaan, Pinarangalan ng DENR

Isa na namang karangalan ang natanggap ng Lungsod San Jose at ngayon ito ay nagmula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa maigting na pagsunod at pagpapatupad ng mga alituntunin sa pangangalaga sa kalikasan.
Published: August 20, 2018 04:27 PM

Bagong bangko, nagbukas sa lungsod

Isa na namang bangko ang nagbukas sa San Jose kahapon (December 21) na isang patunay na mas sumisigla ang komersyo at pagnenegosyo sa lungsod.
Published: August 20, 2018 04:27 PM

PWD’s ng lungsod, bumida

Sa pagpasok ng taong 2018, agad na sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ang pagbibigay ng benepisyo at serbisyo sa isa sa mga sektor ng pamayanan, ang PWD’s.
Published: August 20, 2018 04:27 PM

Mga Pinagbubuting Serbisyo ng Lokal na Pamahalaan,Kapansin-pansin

Bilang dagdag na serbisyo ng lokal na pamahalaan para mas maging komportable ang mga mamamayan habang naghihintay sa pag-proseso ng kanilang mga papel, ginawa nang airconditioned ang harap ng munisipyo kung saan nagbabayad ng cedula, buwis at iba pang bayarin ang mga San Josenians.
Published: August 20, 2018 04:27 PM