News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija



Monday is Market Disinfection Day!

Tulad ng nakasaad sa iskedyul, isinara ang Public Market ngayong araw ng Lunes, June 8, para sa lingguhang disinfection nito.
Published: June 15, 2020 12:39 PM

Subsidiyang Binhi mula sa DA, Ipinamahagi

Sinimulan nitong Lunes, May 25, ang taunang pamimigay ng binhi mula sa Department of Agriculture para sa mga magsasaka sa lungsod. 
Published: June 15, 2020 11:59 AM

Pamimigay ng Ayudang 10 Kilong Bigas

Sinimulan ngayong Lunes, May 25, ang pamimigay ng panibagong ayudang sampung kilong bigas mula sa Lokal na Pamahalaan para sa lahat ng pamilya sa Lungsod San Jose. Ito na ang pang-apat na tig-sampung kilong bigas mula sa Lokal na Pamahalaan.
Published: June 15, 2020 11:49 AM

Paalala Ngayong MECQ

“HINDI KA PA RIN PWEDENG LUMABAS. PERO PAG NAG-COMPLY KA NA, PWEDE KA NANG LUMABAS.” Paano mag-comply? Sino ang pwedeng lumabas? Kailangan, mayroon kang home quarantine pass. O kaya naman, trabahador ka sa negosyo o establisimyentong pinayagang magbukas sa ilalim ng Modified ECQ. Hindi pa rin pwede ang edad 21 yrs old pababa o 60 yrs old pataas, maliban na lamang kung may emergency o essential na kailangang gawin. Ito ay ayon pa rin sa guidelines ng IATF.
Published: June 15, 2020 11:23 AM

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

IMPORTANT UPDATE:Ang Lungsod San Jose ay sasailalim sa MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE mula May 16 hanggang May 31. Ito ay opisyal na lumabas matapos ang update sa page na ito tungkol sa GCQ.
Published: June 15, 2020 11:20 AM

Paghahanda sa Tag-ulan - Oplan Daloy

Habang pinaghahandaan ng lungsod ang paglipat mula sa Enhanced Community Quarantine tungong General Community Quarantine, naghahanda rin ang Oplan Daloy sa paparating na panahon ng tag-ulan at bagyo.
Published: June 15, 2020 11:16 AM

Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang May 15

Nananatili pa rin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ating lalawigan/lungsod hanggang May 15, 2020, kabilang na ang mga kaakibat na batas at alituntunin para sa ECQ.
Published: June 15, 2020 11:12 AM

Executive Order No. 24, s.2020

Executive Order No. 24, s.2020“Adopting In Toto the Omnibus Guidelines by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, Particularly Section 2 Thereof”
Published: June 15, 2020 11:07 AM

City Ordinance No. 20-017

Aprubado at pirmado na ang City Ordinance No. 20-017 o Pandemic Response Ordinance of San Jose City.
Published: June 15, 2020 10:43 AM

Ayuda Mula sa NGCP

Nakatanggap ng ayuda mula sa NGCP ang Lokal na Pamahalaan.Bilang pagtugon sa panawagan ng displaced transport sector, minabuti ng Lokal na Pamahalaan na ilaan ang mga ito sa humigit kumulang na anim na libong TODA drivers na may prangkisa at jeepney drivers (taga-San Jose at bumibiyahe ng rutang mula San Jose) na pawang binawalang mamasada alinsunod sa ECQ guidelines.
Published: June 15, 2020 10:39 AM

3rd Relief Operations

Sinimulan ngayong araw ang ikatlong beses na pamamahagi ng relief goods sa may limampung libong (50,000) pamilya sa lungsod. 
Published: May 04, 2020 10:17 AM

Face Mask Distribution sa Palengke

Nagpamigay ng libreng washable face masks ang Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama ang OIC Market Superintendent Danny Ariem nitong umaga, April 11, sa Public Market. 
Published: April 13, 2020 09:15 AM

Distribution of relief and new quarantine pass

Sinimulan ngayong araw, March 25, ang pamimigay ng relief goods kasama ang bagong quarantine pass na inisyu ng Lokal na Pamahlaan sa Cluster 5 (Red) na binubuo ng mga barangay Bagong Sikat, Pinili, Porais, San Juan at Villa Joson. 
Published: April 13, 2020 09:14 AM

Simultaneous Disinfection sa Lungsod

Isinagawa nitong Biyernes ng umaga, March 20, ang sabay-sabay na pag-disinfect sa iba't ibang lugar sa lungsod. 
Published: April 13, 2020 09:13 AM

Paghahanda para sa Food Distribution

Naghahanda na ang Lokal na Pamahalaan ng bigas na ipamimigay sa mga taong apektado ng Enhanced Community Quarantine. 
Published: April 13, 2020 09:13 AM

Sanitation Disinfection sa iba't ibang lugar

Noong Marso 13 ay sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ang pag-disinfect sa iba't ibang pam-publikong lugar sa lungsod bilang isa sa precautionary measures laban sa pagkalat ng COVID-19. 
Published: April 13, 2020 09:12 AM

San Jose City placed under lockdown

Key things to note:- Curfew begins at 8:00 PM and ends at 5:00 AM- Hours at the Public Market will be limited from 6 AM to 10 AM. Barangays’ access to the Public Market will be as per daily schedule which will take effect after the new quarantine pass is distributed to each household and the schedule is published on this page.- Quarantine pass is necessary to enter supermarkets.- Quarantine pass issued by the barangay will no longer be honored after the distribution of the new LGU-issued pass.- The new quarantine pass will be distributed to each household. Only one pass per household.- Only those with valid quarantine pass will be allowed beyond checkpoints.- Essential worker must bring valid pass along with certificate of employment.- Non-residents will be refused entry, subject to ECQ exceptions.
Published: March 25, 2020 09:27 AM

Emergency Meeting para sa kahandaan sa COVID-19

Nagpulong ang mga kapitan ng barangay, DILG, PNP at Philippine Army nitong umaga, March 16, kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang paigtingin ang paghahanda at paglaban sa banta ng COVID-19. 
Published: March 18, 2020 09:20 AM

Fire Prevention Month 2020

Kaisa ang Lungsod San Jose sa mga aktibidad para sa Fire Prevention Month ngayong Marso na may tema sa taong ito na “Matuto Ka, Sunog, Iwasan Na”.
Published: March 04, 2020 08:46 AM

San Juan Elementary School, may bagong silid-aralan

Para sa patuloy na paglinang ng karunungan ng mga kabataan, dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan ang pinasinayaan at binasbasan nitong ika-27 ng Pebrero sa San Juan Elementary School.
Published: March 03, 2020 08:34 AM

Libreng wheelchairs at saklay, ipinamahagi

Patuloy ang pagkalinga ng Lokal na Pamahalaan sa mga Person with Disability (PWD) at senior citizen matapos silang mapagkalooban ng libreng wheelchairs at saklay noong ika-14 ng Pebrero.
Published: February 24, 2020 08:35 AM

POWAS sa Brgy. Dizol, dumaloy na

Masaya ang mga residente sa Sitio Cabatuan, Brgy. Dizol matapos pasinayaan noong Pebrero 07 ang itinayong Potable Water System (POWAS) sa kanilang lugar. 
Published: February 17, 2020 10:38 AM

K-Outreach Program sa Brgy. Pinili

Isa na namang matagumpay na K Outreach Program ang naisagawa nitong Enero 31 sa may covered court ng Brgy. Pinili.
Published: February 17, 2020 10:35 AM

Sireyna ng San Jose 2020, kinoronahan

Lumutang si Ms. Nisha Alcantara bilang Sireyna ng San Jose, ang tinaguriang reyna ng transgender community ng lungsod, nitong Enero 24 sa pageant night na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex. 
Published: February 04, 2020 10:15 AM

K Outreach sa Sto. Niño 1st

Mistulang ‘extended’ ang fiesta sa Sto. Niño 1st noong Biyernes (Enero 24) matapos dumayo roon ang K Outreach Program.
Published: February 04, 2020 10:14 AM

Mayor’s Cup Basketball Tournament 2019

Sumabak ang 14 na koponan para sa panibagong serye ng Mayor’s Cup Intercommercial Basketball Tournament na nagsimula noong ika-29 ng Nobyembre.
Published: January 27, 2020 10:56 AM

Business One Stop Shop, magpapatuloy hanggang Enero 20

Nagpaalala si Licensing Officer Christopher Pabalan ng Business Permit and License Office (BPLO) sa lahat ng mga may negosyo sa lungsod na hanggang sa Lunes na lang, Enero 20 ang Business One Stop Shop (BOSS) na kasalukuyang isinasagawa sa munisipyo.
Published: January 27, 2020 10:54 AM

123rd Rizal Day

Ginugunita ngayong araw na ito (Disyembre 30) ang ika-123 anibersaryo ng kamatayan at kadakilaan ni Gat. Jose P. Rizal.
Published: January 06, 2020 03:45 PM

Tulong Pangkabuhayan, ipinamahagi

Ipinagkaloob kahapon (Disyembre 18) sa mga miyembro ng Sitio Usok Damayan Kababaihan Association ng Barangay Malasin ang mga kagamitan para sa kanilang veggie chips, chicharon, at tomato candy production.
Published: December 23, 2019 10:16 AM