#NEWSEVENTS SEPTEMBER 27, 2020



Financial Assistance para sa LGU Scholars, Ipinamahagi


Nakatanggap ng tig-pitong libong piso ang 191 bagong LGU scholars para sa SY 2020-2021 nitong Miyerkules, July 29, bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

Bago ipamahagi ang cash aide, ginanap ang orientation sa PAG-ASA Gym kung saan ipinaliwanag sa mga iskolar ang mga alituntunin upang mamentina ang kanilang scholarship.

Sa ilalim ng City Ordinance #18-094, isang daang iskolar kada taon ang idinadagdag sa mga tinutulungang estudyante ng Lokal na Pamahalaan at ang mga ito ay dumadaan sa masusing screening. Subalit sa panahon ng COVID-19 pandemic, minabuti ng Punong Lungsod Kokoy Salvador, at kanyang iminungkahi sa komite, na aprubahan ang lahat ng 191 aplikante. Kinailangan lamang nilang mag-sumite ng kumpletong requirements upang aprubahan ang aplikasyon.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image