#NEWSEVENTS SEPTEMBER 18, 2020



City Day Babies 2020


Hindi pinalagpas ang mahalagang okasyon kahapon para bigyan ng regalo ang mga sanggol na ipinanganak kasabay ng selebrasyon ng 51st City Day.

Isinilang nitong Agosto 10 sa Paanakang Bayan sina Baby Eloisa, anak nina Eliseo Lagarteja at Monaliza Salazar; at Baby Jhea Ann na anak naman nina Jerome Estillore at Angelica Batan.

Tumanggap ng gift packs ang dalawang City Day Babies mula sa Lokal na Pamahalaan at libre na rin ang pagrehistro ng kanilang kapanganakan.

Personal na inabot nina Vice Mayor Glenda F. Macadangdang, City Councilor Trixie Salvador at City Population Officer Nathaniel Vergara ang mga regalo sa bawat pamilya.

Nagpasalamat naman ang mga magulang ng mga sanggol sa sorpresang inihandog sa kanila ng lokal na pamahalaan.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image