#NEWSEVENTS JANUARY 26, 2021



Inauguration ng POWAS-Villa Marina


Pormal na idinaos ang inagurasyon ng ikalawang POWAS sa Barangay Villa Marina kahapon (Disyembre 17) sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang ilang konsehal at mga opisyal ng naturang barangay.

Kasabay ng inagurasyon ang panunumpa ng Lupon ng Katiwala na siyang mamamahala sa POWAS dito na tinawag nilang “V-Mar POWAS”.  

Higit isang taon na rin itong nakapagsisilbi sa 73 konsyumer. Dahil sa proyektong ito, hindi na nahihirapan sa pag-igib ng tubig sa poso ang mga residente roon.

Kaugnay nito, nagpasalamat si POWAS Project Coordinator Oliver Garcia kay Barangay Kagawad Leonardo Morante na nag-donate ng lupa roon para matayuan ng V-Mar POWAS.

Ito na ang pang-45 POWAS sa lungsod na nakapagbibigay ng malinis at sapat na supply ng tubig sa mga mamamayan, lalo na sa mga malalayong lugar.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image