#NEWSEVENTS #“K” OUTREACH PRO AUGUST 06, 2020



“K” Outreach Program Meeting | 26 August 2016

August 30, 2016 04:14 PM


Nagpulong ang ilang Department Heads noong Biyernes, ika-26 ng Agosto para pag-usapan ang isinagawang paglulunsad ng “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy. Sto. Tomas noong Agosto 23-25.
Ayon sa pagtataya ng mga dumalo rito, naging matagumpay ang programa lalo na at nakadaupang palad ng taumbayan ang ating butihing Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador.
Base rin sa rekomendasyon ng mga kasama sa Outreach Program ay hahatiin na lamang sa dalawang ‘cluster’ o grupo ang mga tanggapan ng LGU na maghahatid serbisyo sa mga barangay.
Dahil dito, magiging dalawang araw na ang aktibidad na gagawin tuwing Martes at Miyerkules sa isang barangay kada linggo.
Babalik ang K Outreach Program sa Setyembre 6-7 para naman mapaglingkuran ang mga residente ng Brgy. Caanawan.
Muling makakasama rito si Mayor Kokoy at makakasalo sa isang boodle fight.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image