#NEWSEVENTS # NOVEMBER 15, 2019



Libreng wheelchairs at saklay, ipinamahagi


Patuloy sa pagbibigay kalinga ang Lokal na Pamahalaan para sa mga Person with Disability o PWD at senior citizens matapos silang mapagkalooban ng libreng wheelchairs at saklay noong Martes (Sept. 3) sa City Hall compound.

Sampung batang PWD at sampung senior citizens ang tumanggap ng wheelchairs, na personal na iginawad ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama sina Konsehal Wilfredo Munsayac, Trixie Salvador, Roy Andres, at PWD Focal Person Christian Nicolas.

Bukod sa wheelchairs, namahagi rin ng siyam na saklay para sa mga PWD.

Sa mensahe ni Mayor Kokoy, sinabi niyang ang kapakanan ng mga kalungsod nating PWD at senior citizens ang isa sa mga programang isinusulong ng kaniyang administrasyon. 

Aniya, layon din niyang mabigyan sila ng opurtunidad na makapagtrabaho sa malalaking kumpanya gaya ng ginawa ni Mayor Isko sa Maynila.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image