#NEWSEVENTS # NOVEMBER 15, 2019



K Outreach sa Brgy. Tondod


Muling umarangkada ang K Outreach Program at dumayo naman sa Brgy. Tondod kahapon (September 05).

Masayang sinalubong ng mga residente ang K Outreach caravan na may hatid na iba’t ibang libreng serbisyo kagaya ng medical at dental check-up, libreng gamot, bakuna para sa mga bata, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop.

Mayroon din ng libreng gupit, massage therapy, at namigay ng mga salamin sa mata, bigas, seedlings, pagpapayo tungkol sa tamang pagpaplano ng pamilya, pagtulong sa mga pangangailangan ng mga senior citizen, at marami pang iba.

Masaya namang nakisalo sa boodle fight sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at ilang City Councilors.

Nakiisa rin sa programa ang mga opisyales ng Brgy. Tondod sa pangunguna ni Kapitan Wilfredo Agonoy.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image