#NEWSEVENTS # MARCH 02, 2021



K-Outreach, Muling Nagbigay ng Libreng Serbisyo


Suwerte ang Friday the 13th ng mga residente ng Barangay Santo Tomas ngayong araw dahil sa dalang iba’t ibang libreng serbisyo roon ng K Outreach caravan kaninang umaga.

Hatid ng caravan ang serbisyong medikal at dental, libreng gamot, bakuna para sa mga bata, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop, libreng gupit, massage therapy, eye check-up at salamin sa mata. Namigay rin ng bigas, seedlings, pagbibigay impormasyon ukol sa tamang pagpaplano ng pamilya, pagtulong sa mga pangangailangan ng mga senior citizen, mga naghahanap ng trabaho, at marami pang iba.

May inihanda ring masarap na boodle fight na pinagsaluhan ng mga dumalo sa programa.

Dinaluhan ito ni Mayor Kokoy Salvador kasama sina Vice Mayor Glenda Macadangdang at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image