#NEWSEVENTS # DECEMBER 11, 2019



Bagong TODA Terminal sa A.O. Pascual Street


Sinimulan nang ilipat ang terminal ng mga TODA na dating nasa kahabaan ng Rizal Street sa A.O. Pascual Street nitong Miyerkules (Setyembre 18).

Kabilang sa mga ito ay TODA ng Barangay Bagong Sikat, Culaylay, Kaliwanagan, Palestina, Parang Mangga, Pinili, Porais, San Agustin, San Juan, Tabulac, Tondod, Tulat, Villa Json, at Villa Marina. Maging ang mga byaheng Llanera ay doon na rin sa naturang bagong terminal. 

Tinatayang 90% sa mga ito ay nailipat na.  

Isa pang terminal ang inihahanda na rin kung saan ililipat naman ang TODA ng Brgy. Sto. Niño 2nd at Sto. Niño 3rd.

Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng Lokal na Pamahalaan sa may-ari ng lote na pansamantalang nagpahiram nito.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image