#NEWSEVENTS # DECEMBER 16, 2019



Mga lolo at lola, humataw sa pagsasayaw


Pinatunayan ng mga lolo at lola na hindi hadlang ang kanilang edad makaraang aktibo at masaya silang lumahok sa sayawan nitong Oktubre 11 sa Pag-Asa Sports Complex, Brgy. F. E. Marcos.

Bahagi ito ng Elderly Week Celebration na may tema ngayong taon na: “Healthy and Productive Aging Starts With Me.” 

Suot ang kanilang naggagandahan at makukulay na damit, nagpakitang gilas sa kanilang pag-indak ang bawat grupo ng mga senior citizen sa bawat barangay.
 
Nakisaya rin dito sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Macadangdang at mga konsehal.
  
Nagsilbi namang panauhing pandangal sa programa ang dating Presidente ng Federated of Senior Citizens Association of the Philippines Region III na si Retired Hon. Judge Ricardo M. Agapito mula Cabanatuan City.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image