#NEWSEVENTS # DECEMBER 16, 2019



Koponan mula Bulacan, kampeon sa Rebisco Volleyball League


Dumayo sa lungsod ang iba’t ibang Volleyball team mula Cagayan Valley, Isabela, Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, at Bulacan para sa Rebisco Volleyball League 2019 - Northern Luzon Regional Finals 2019.

Nagsimula ang liga nitong Lunes sa Pag-asa Sports Complex at idinaos naman kahapon (Oktubre 30) ang championship game kung saan nagharap ang koponan ng First City Providential College ng San Jose del Monte City, Bulacan at Holy Family Academy ng Angeles City, Pampanga.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang koponan at umabot pa ito sa limang set; ngunit sa huli, naungusan ng First City Providential College Royal Eagles ang kalaban at naiuwi ang gold medal.

Napili ring Most Valuable Player si April Tapia ng Royal Eagles.

Nasungkit naman ng Holy Angel University mula Angeles City, Pampanga ang bronze medal matapos nitong talunin ang Juan R. Liwag Memorial High School mula Gapan, Nueva Ecija.

Naging matagumpay ang liga sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa pangunguna ng Sports Development Office.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image