#NEWSEVENTS # DECEMBER 16, 2019



BOSS Caravan


Kasalukuhang isinasagawa ngayong linggong ito ng Business Permit & Licensing Office ang Business One Stop Shop (BOSS) Caravan sa Public Market bilang serbisyo sa mga negosyante at mangangalakal dito. 

Malaking porsyento ng business permits sa buong lungsod ay para sa mga may tindahan o negosyo sa palengke. 

Isinagawa ang caravan para sa maagang pagpo-proseso ng mga kaukulang papeles na kailangan sa negosyo ng mga taga-palengke at upang hindi na sila pumila sa buwan ng Enero kung kailan dagsa ang nag-aayos ng mga business permit. 

Ang pagkakaroon ng mga kaukulang papeles sa negosyo tulad ng Business Permit & Mayor's License, DTI, at SSS ay isa rin sa mga bagong criteria sa pagbibigay ng Pinaka-Maringal na Pamilihang Bayan Award. Kamakailan ay itinanghal na 1st Runner-Up sa Nueva Ecija ang San Jose City Public Market sa award na ito. 

Magtatapos ang caravan sa Biyernes, Nov 22.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image