#NEWSEVENTS # FEBRUARY 20, 2020



8 Elementary School, pasok na sa Chorale Competition Semifinals


Muling napakinggan ang tinig ng mga mag-aaral sa serye ng Chorale Competition na ginanap nitong Nobyembre 22 at 27 para mapili ang mga paaralang magtatagisan sa semifinals.

Matatandaang nagwagi ang Elim School for Values and Excellence, Mount Carmel Montessori Center, Malasin, at Pinili Elementary School sa first at second elimination round.

Nitong Biyernes, nanalo naman ang Encarnacion Subdivision at Habitat Elementary School sa third round.

Hindi rin nagpahuli ang Porais Elementary School at San Jose East Central School na matagumpay na nakakuha ng huling dalawang ‘spot’ sa final elimination round na ginanap kagabi sa City Social Circle. 

Magtutunggali ang mga nabanggit na walong paaralan sa semifinals na idaraos sa Disyembre 6.

Bukas ng gabi (Nobyembre 29), magpapasiklaban naman sa pagkanta ang 10 paaralan sa high school level ng naturang kompetisyon.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image