#NEWSEVENTS # FEBRUARY 20, 2020



2019 Chorale Competition – Secondary Level


Singlamig ng simoy ng hangin ang ipinarinig na boses ng mga kabataang kalahok sa Chorale Competition – Secondary Level nitong ika-29 ng Nobyembre.

Nagpamalas ng galing sa pag-awit ng piyesang “Simbang Gabi” at isa pang piling Christmas song ang 10 paaralan na nagpabilib sa mga manonood.

Matapos ang mahigpit na pasiklaban ng talento ng bawat grupo, nagwagi at pasok na sa grand finals ang San Jose City National High School, Core Gateway College, St. John's Academy, at Mount Carmel Montessori Center.

Muling mapapakinggan ang kanilang tinig sa December 13 para sa grand finals ng naturang kompetisyon.

Dumalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador kasama ang kaniyang maybahay na si Gng. Veronica Salvador at sila mismo ang naggawad ng parangal sa mga nanalo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image