#NEWSEVENTS # FEBRUARY 20, 2020



St. John’s Academy at San Jose East Central, wagi sa Chorale


Naidepensa ng St. John’s Academy ang kampeonato para sa grand finals ng Chorale Competition (High School Division) na ginanap sa San Jose City Social Circle nitong Biyernes, Disyembre 13.

Samantala, nasungkit ng San Jose East Central School ang kampeonato ngayong taon para sa Elementary Division. 

Personal na dinoble ni Mayor Kokoy Salvador ang pa-premyo at nagdagdag pa ng tig-isang libong piso sa bawat kalahok ang Kimuyan Group bilang gantimpala sa bawat paaralang pinalad na pumasok sa Grand Finals. 

Kapwa nag-uwi ng dalawampu’t isang libong piso ang nga nag-kampeong paaralan.

Pumangalawa naman ang San Jose City National High School at Encarnacion Subd. Elementary School sa kani-kanilang dibisyon, at umuwi silang bitbit ang premyong tig-labing tatlong libong piso. 

Samantala, ang mga finalists naman na Core Gateway Colleges, Mount Carmel Montessori Center (High School and Elem.) at Pinili Elementary School ay nag-uwi rin ng consolation prize na tig-pitong libong piso. 

Sa High School Division, nagpagalingan sa pag-awit ng contest piece na “Simbang Gabi” ang mga kalahok, habang “Pasko sa Aming Nayon” naman ang piyesang pinaglabanan ng Elementary Division.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image