#NEWSEVENTS # APRIL 07, 2020



Business One Stop Shop, magpapatuloy hanggang Enero 20


Nagpaalala si Licensing Officer Christopher Pabalan ng Business Permit and License Office (BPLO) sa lahat ng mga may negosyo sa lungsod na hanggang sa Lunes na lang, Enero 20 ang Business One Stop Shop (BOSS) na kasalukuyang isinasagawa sa munisipyo.

Mas pinadali pa ang proseso sa BOSS dahil maaari nang kumuha mismo sa City Hall ng Barangay Clearance ang mga negosyante mula sa ilang barangay, bilang pagtalima sa RA 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Kabilang sa mga barangay na nagbibigay ng barangay clearance sa munisipyo ay ang Abar 1st, R. Rueda, Canuto Ramos, Calaocan, Sibut, F.E. Marcos, at Malasin.

Base sa talaan ng BPLO, higit dalawang libong aplikasyon na ng business permit ang naiproseso sa Business One Stop Shop as of January 15.



Photos

image
image
image
image