#NEWSEVENTS # APRIL 07, 2020



BFP San Jose, ginawaran ng bagong fire truck


Iprinisinta sa publiko kahapon, Pebrero 17 ang isang bagong fire truck na ipinagkaloob sa Bureau of Fire Protection (BFP) San Jose.

Ang naturang fire truck o water tender ay may kapasidad na 2,500 galon ng tubig na sadyang malaki ang maitutulong sa pag-apula ng sunog.

Bukod sa bagong fire truck, aasahan din ang isang bago at mas malaking istasyon ng bumbero sa lungsod na kasalukuyan nang itinatayo sa Maharlika Highway, Abar 1st. 

Matatandaang idinaos ang groundbreaking ceremony noong Nobyembre 2019 para sa konstruksyon ng mas modernong fire station dito.



Photos

image
image