#NEWSEVENTS # APRIL 07, 2020



Libreng wheelchairs at saklay, ipinamahagi


Patuloy ang pagkalinga ng Lokal na Pamahalaan sa mga Person with Disability (PWD) at senior citizen matapos silang mapagkalooban ng libreng wheelchairs at saklay noong ika-14 ng Pebrero.

Ibinigay ang 20 wheelchairs para sa senior citizens, habang pitong PWD naman ang nabigyan ng saklay, na nagpatamis sa kanilang Araw ng mga Puso.

Personal na iginawad ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama ang ilang Konsehal at PWD Focal Person Christian Nicolas ang mga naturang kagamitan.

Ayon kay Mayor Kokoy, patuloy na isusulong ng kaniyang administrasyon ang mga programang makatutulong para sa kapakanan ng mga kalungsod nating PWD at senior citizens.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image