#NEWSEVENTS # JULY 07, 2020



Emergency Meeting para sa kahandaan sa COVID-19


Nagpulong ang mga kapitan ng barangay, DILG, PNP at Philippine Army nitong umaga, March 16, kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang paigtingin ang paghahanda at paglaban sa banta ng COVID-19. 

Sinabi ng Punong Lungsod na bagama't wala pang naitatalang kaso sa lungsod at sa buong Nueva Ecija, mainam na nakahanda ang lahat laban dito. 

Magkakaroon ng iba pang opisyal na anunsyo sa page na ito tungkol sa mga hakbang na gagawin ng Lokal na Pamahalaan bilang preventive measures laban sa COVID-19. 

Ipinapaalala sa lahat na tanging sa page na ito ipo-post ang official updates ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa isyung ito.



Photos

image
image
image
image
image
image