#NEWSEVENTS # JULY 08, 2020



Mga dokumentong kailangan para sa mga pinapayagang mag-biyahe


TRABAHADOR NA TAGA-SAN JOSE PERO NAGTA-TRABAHO SA IBANG BAYAN (KAILANGANG BUMIYAHE ARAW-ARAW)
- Certificate of Employment
- Company ID

TRABAHADOR NA TAGA-IBANG BAYAN PERO NAGTA-TRABAHO SA SAN JOSE (KAILANGANG BUMIYAHE ARAW-ARAW)
- Certificate of Employment
- Company ID

DELIVERY PERSONNEL NA MAGDE-DELIVER SA IBANG BAYAN
- Proof of Order/Delivery
- Company ID
- Certificate of Employment

MANUNUNDO NG KAMAG-ANAK O KAIBIGAN NA STRANDED SA IBANG LUGAR
- Barangay certification
- Medical Clearance mula sa City Health Office
- Travel Permit mula sa Office of the City Mayor
- Certificate of Acceptance mula sa Office of the City Mayor
- Travel clearance mula sa LGU na panggagalingan ng stranded

BIBIYAHE SA IBANG BAYAN PARA MAGPA-CHECK-UP
- Barangay certification
- Medical Clearance mula sa City Health Office
- Travel Permit mula sa Office of the City Mayor

STRANDED SA IBANG BAYAN PAUWI NG SAN JOSE (MAY SARILING SASAKYAN)
- Medical clearance mula sa lugar na panggagalingan
- Travel permit mula sa lugar na panggagalingan
- Certificate of Acceptance mula sa Office of the City Mayor ng San Jose. (Maaaring kunin ito ng kamag-anak at ipadala sa taong stranded. Sa pagkuha, kailangang ipakita ang kopya ng medical clearance mula sa lugar na panggagalingan.)

STRANDED SA IBANG BAYAN PAUWI NG SAN JOSE (WALANG SARILING SASAKYAN)
- Coordination sa pagitan ng LGU o barangay na panggagalingan at sa LGU ng Lungsod San Jose para sa dokumento at transport na kailangan
- Focal point ng LGU San Jose City: Mr. Mercinario Mallari (0916795 6504 09331579965; Facebook Mercinario Rovillos Mallari)

TAGA-IBANG BAYAN NA PUPUNTA SA SAN JOSE PARA SA ESSENTIAL NA GAWAIN:
- Sundin ang schedule ng pagpunta sa San Jose
- Travel pass mula sa LGU na panggagalingan
- Community Quarantine Pass para makasapasok sa mall
PAALALA SA PAGPASOK SA MGA MALL O SA PAMAMALENGKE;
- Kailangan pa rin ng Home Quarantine Pass.
- Ang Essential Worker Pass o IATF ID ay para sa pagpasok sa trabaho, hindi sa paggo-grocery.

PAALALA SA PAGKUHA NG QUARANTINE PASS:
- - Hindi na nagi-isyu ng Home Quarantine Pass o Essential Worker Pass.
- - Ang Home Quarantine Pass ay pwedeng gamitin ng miyembro ng pamilya na aprubadong lumabas.
- - Sa mga walang Essential Worker Pass na ngayon ay kailangang pumasok sa trabaho, Certificate of Employment at Company ID ang kailanang iprisinta sa checkpoint.