#NEWSEVENTS # JULY 08, 2020



COVID-19 Safety Measures, Ipinatutupad sa St. Joseph Cathedral


Pinapayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mass gatherings ng religious organizations, subalit 50% capacity lamang. Kailangan ding obserbahan ang mga istriktong health protocols. Halimbawa nito ay ang pagkuha ng temperatura ng taong dadalo sa misa o church service, at pagre-rehistro sa logbook para sa contact tracing.

Nitong Linggo, June 21, nakunan ng Public Information Office kung paano inoobserbahan ang mga ito sa St. Joseph Cathedral. Tuwing matatapos ang misa, dumadaan sa disinfection ang katedral sa pakikipagtulungan sa Sanitation Department ng City Health Office.

Bagama't pinapayagan na ang ganitong mass gatherings, kailangan pa ring sumunod ng mga religious organization sa guidelines ng COVID-19 National IATF. Ito ay para sa kapakanan ng lahat ng dumadalo sa kanilang gawain.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image