#NEWSEVENTS # AUGUST 04, 2020



Business Sector at LGU, nagpulong hinggil sa COVID-19 protocols


Nagkaroon ng pagpupulong ang mga tagapamahala ng malalaking establisimyento nitong umaga, July 13, kasama ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador upang talakayin ang sitwasyon ng COVID-19 sa Lungsod San Jose ngayong panahon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ipinaliwanag ng Punong Lungsod ang lagay ng quarantine facility sa San Jose City High School at sinigurado niyang lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga naka-quarantine dito ay maayos na naibibigay. Nilinaw naman ng City Health Officer Dr. Marissa Bunao na ang pasilidad ay naaayon sa minimum standards ng Department of Health.

Nagkaroon din ng open forum sa pagpupulong kung saan inilahad ng ilang tagapamahala ng mga establisimyento ang ginagawa nilang pagsunod sa health & safety protocols ngayong MGCQ tulad ng regular na sanitasyon, pagsusuot ng face mask, pagkuha ng temperatura bago pumasok sa establisimyento, registration logbook para sa contact tracing, at social distancing.

Para naman sa mga trabahador na taga-ibang bayan, pinakiusapan ang mga tagapamahala ng mga negosyo na hangga’t maaari ay limitahan ang pag-uwi at pag-biyahe ng kanilang mga empleyado.

Tinalakay din ang presensya ng mga senior citizen sa mga bangko upang makipag-transaksyon. Ipinaliwanag ng mga bank managers na karamihan sa mga transaksyon ay kailangan ng presensiya ng account holder. Iminungkahi naman na kung hangga’t maaari ay limitahan ang presensya ng mga senior bilang pangangalaga na rin sa kanila sapagka’t isa sila sa “vulnerable” age group sa COVID-19.

Maging sa Public Market ay paiigtingin din ang pagpapatupad ng safety protocols para sa mga mamimili. Sa kanilang pagpasok, kailangang mag-fill-up ng form gamit ang sariling dalang ballpen, habang ang hand sanitizer/alcohol ay makikita at libreng magagamit sa entrance.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image