#NEWSEVENTS # OCTOBER 29, 2020



Distribution of Wheelchairs and Crutches


Ipinamahagi ng Persons with Disability (PWD) Office ang sampung (10) wheel chair at apat (4) na saklay sa labing-apat (14) na benepisyaryo nitong umaga, September 15, sa kanilang tanggapan. 

Ito ay bilang tugon sa hiling ng mga benepisyaryo na inilapit sa PWD Office nitong mga nakaraang buwan. 

Pinangunahan ng Punong Lungsod Kokoy Salvador at PWD Office Head Christian Nicolas ang pamamahagi ng mga naturang gamit. Dumalo rin sina Konsehal Atty. Ronald Hortizuela, Amang Munsayac, at Roy Andres. 

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Punong Lungsod na regular ang pagtugon ng Lokal na Pamahalaan sa mga ganitong pangangailangan ng PWD's. Aniya, ito ay nanggagaling sa pondo ng bayan at dumadaan sa tamang proseso.

Nagpamigay din ng face mask para sa mga benepisyaryo kasabay ng pagpapaalala para sa mas masusing pag-iingat upang maiwasan ang sakit na COVID-19.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image