#NEWSEVENTS # OCTOBER 28, 2020



Potable Water System sa San Agustin, Pinasinayaan


Isinagawa ang pormal na inagurasyon ng Potable Water System o POWAS sa Zone 7 ng Brgy. San Agustin nitong September 24 sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador at ilang opisyal ng barangay. 

Halos 184 sambahayan ang makikinabang sa POWAS na ito na naglalayong mabigyan ng malinis at sapat na suplay ng tubig ang mga mamamayan, partikular sa mga malalayong lugar.
Garantisado namang ligtas ang tubig mula rito dahil dumaan ito sa masusing pagsusuri ng City Health Office – Sanitation Division.

Bukod sa pagpapasinaya ng naturang proyekto, isinabay rin ang panunumpa ng Lupon ng Katiwala na siyang mamamahala sa POWAS ng nasabing lugar.

Mula nang manungkulan si Mayor Kokoy, may tatlumpu’t tatlong POWAS na ang naitayo, at may iba pang lugar sa lungsod ang mabibigyan din ng ganitong proyekto.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image