#NEWSEVENTS # OCTOBER 28, 2020



Pagbubukas ng Klase sa mga Pampublikong Paaralan sa Oktubre 5


Nagpulong kahapon, Sept 30, ang Punong Lungsod Kokoy Salvador at Schools Division Superintendent Johanna Gervacio upang pag-usapan ang pagbubukas ng klase sa mga pam-publikong paaralan sa October 5.

Siniguro nI SDS Gervacio ang kahandaan ng DepEd San Jose para sa nalalapit na pasukan. 

Ibinalita rin ng SDS ang pagtaas ng bilang ng enrollees sa mga pampublikong paaralan ngayong taon na umabot na sa 33,264 kumpara sa nakaraang taon na nasa 30,850 lamang, bagama’t tuloy pa rin ang pagtanggap ng enrollees sa mga paaralang ito.

Tinalakay din nila ang iba pang paksa tulad ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan para sa mga kinakailangang improvement sa school buildings, pagdaragdag ng mga classroom, at supply ng tubig mula sa POWAS sa mga paaralang nasa liblib na lugar.



Photos

image