#NEWSEVENTS # NOVEMBER 25, 2020



POWAS - Brgy Sibut


Pormal na idinaos ang pagpapasinaya sa Potable Water System o POWAS sa Barangay Sibut kahapon (October 15).

Ito na ang pang-37 POWAS na naipagawa ng lokal na pamahalaan na naglalayong mabigyan ng malinis at sapat na suplay ng tubig ang mga mamamayan.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang inagurasyon ng naturang proyekto, kasama sina Vice Mayor Glenda Macadangdang, at Barangay Chairmain Justino dela Cruz Jr. 
Dumalo rin sa programa ang ilang opisyal ng barangay at mga konsehal ng lungsod kabilang sina Amang Munsayac, Susan Corpuz, Trixie Salvador, Roy Andres, Ryan Laureta.

Isinagawa rin dito ang panunumpa ng Lupon ng Katiwala na siyang mamamahala sa tinawag nilang SIB-POWAS.

Sa mensahe ng Punong Lungsod, pinuri niya ang mga tagapamahala ng SIB-POWAS dahil sa loob lamang ng tatlong buwang operasyon ay nakapagpundar na sila ng generator set na magagamit para sa tuloy-tuloy na suplay ng POWAS kahit na mawalan man ng kuryente.

Samantala, inaasahan din ang pagpapasinaya ng iba pang POWAS sa ibang barangay sa mga susunod na linggo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image