#NEWSEVENTS # FEBRUARY 26, 2021
THE MORNING AFTER #BagyongUlysses
Nagsanib-pwersa nitong umaga, Nov 12, ang City Disaster Risk Reduction & Management Office at City Engineering Office para sa clearing operations sa mga kalsadang naharangan ng mga punong itinumba ng Bagyong Ulysses.
Ang Maharlika Highway, Florentino Street, Porais-Palestina Road, San Jose-Lupao Road, ay ilan lamang sa mga kalsadang tinungo ng grupo kanina.
Samantala, abala rin ang SAJELCO sa pag-aayos ng mga poste ng kuryenteng itinumba ng bagyo upang maibalik ang kuryente sa lungsod sa lalong madaling panahon.