#NEWSEVENTS # MARCH 02, 2021



Turn-over of Ambulance from DOH to OLSJ


Pormal na tinanggap ng Ospital ng Lungsod San Jose (OLSJ) ang dalawang ambulansiya mula sa Department of Health nitong umaga, January 14, sa isang turnover ceremony sa City Social Circle. 

Ang ambulansiya ay ibinaba sa OLSJ pamamagitan ng pondong nakalaan sa Ikalawang Distrito ng Nueva Ecija. 

Dumalo at nagbigay ng mensahe si Congw. Mikki S. Violago. Ayon sa kinatawan ng Ikalawang Distrito, tinutukan niya ang pag-follow-up sa DOH upang makamtan ng OLSJ ang mga bagong ambulansiya na malaki ang maitutulong sa ospital at sa mga nagiging pasyente nito.

Binasbasan naman ni Fr. Getty Ferrer ang ambulansya bago ito gamitin. 

Dumalo rin sa turnover si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, ilang konsehal at mga kinatawan ng OLSJ.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image