#NEWSEVENTS # APRIL 20, 2021



COVID-19 Task Force Meeting on Vaccination Plan


Muling nagpulong sa City Hall nitong Miyerkules, Marso 10, ang ilang miyembro ng Local COVID-19 Task Force upang pag-usapan ang COVID-19 master vaccination plan para sa Lungsod San Jose.
 
Sa miting, pinag-usapan ang mga pangangailangan sa logistics, manpower, gayundin ang mga lugar kung saan gagawin ang pagbabakuna. Inilhad din ang tentative schedule ng pagbabakuna na magiging depende pa rin kung kailan darating ang supply. 

Kung darating ang inaasahang supply mula sa National IATF sa tamang oras, nakaplanong magsimula ang pagbabakuna sa mga frontline health workers sa Marso 22 hanggang 26. 

Hahatiin naman sa pitong clusters ang mga barangay para sa pagbabakuna ng mga sibilyan na nasa kwalipikadong edad.



Photos

image
image
image
image
image