#NEWSEVENTS #DAY CARE WORKERS, PI DECEMBER 16, 2019



Day Care Workers, Pinulong Para Sa Nalalapit Na Pasukan

May 23, 2017 04:33 PM


Pinulong kahapon ni City Social Welfare and Development Officer Lourdes S. Medina ang limampu’t walong Day Care Workers sa third floor conference room ng San Jose City Hall.

Tampok sa napag-usapan ang pagpirma ng panibagong kontrata ng mga tagapagturo ng mga tsikiting na may edad tatlo hanggang apat na taon.

Sa mensahe ng Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador, siniguro niya ang pagbibigay suporta sa programa ng CSWD tulad ng “supplemental feeding” na isinasagawa ng limang beses sa loob ng isang linggo.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga pangangailangan ng mga Day Care Center tulad ng mga kulang na upuan at mesa.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 20 hanggang 30 ang mga mag-aaral sa bawat klase ng Day Care Centers.
- Aldritch C. Pioquinto/Melody Z. Bartolome



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image