#NEWSEVENTS #DILG, BUMIDA SA CLEA SEPTEMBER 27, 2020



DILG, Bumida sa Clean-up Drive sa Lungsod

August 04, 2017 05:30 PM


Kasisikat pa lamang ng araw kanina, Agosto 4, nang aktibong naglinis sa Sibut-Palestina Bridge ang mga hepe ng iba’t ibang opisina ng DILG sa mga bayan ng Nueva Ecija, kasama Makisig Rescue 3121, Public Order & Safety Office at mga opisyal ng Barangay Sibut at Palestina. Maging ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ay masiglang sumuporta at sumali sa paglilinis.

Ito’y bilang bahagi ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation (MBCRP) Program na pinangunahan ng Department of Interior and Local Government. Ang programang ito ay hindi lamang nakatuon sa Manila Bay kundi sa iba’t ibang rehiyon at bayan din.

Hindi naman tumitigil sa pagsasagawa ng clean-up drive sa mga barangay sa lungsod ang Lokal na Pamahalaan bilang bahagi pa rin ng adbokasiya ni Mayor Kokoy na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Bagong San Jose.

(Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image