#NEWSEVENTS #FEEDING PROGRAM PARA SEPTEMBER 29, 2020



Feeding Program para sa Day Care pupils, nakakasa na

September 06, 2017 05:58 PM


Magsisimula na sa Setyembre 16 ang isandaan at dalawampung araw (120) na feeding program ng City Social Welfare and Development Office para sa Day Care pupils sa lungsod para sa taong ito.

Sa katunayan, pormal nang ipinasa ng DSWD Region III ang tseke na nagkakahalaga ng mahigit limang milyong piso (Php 5,189,400) na siyang pondo para sa programa sa Lokal na Pamahalaan kanina, Setyembre 6, sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama sina Konsehal Wilfredo “Amang” Munsayac, CSWD Officer Lourdes Medina at iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Isinasagawa ang nasabing feeding program para matulungan ang mga batang malnourished na magkaroon ng malusog na pangangatawan, alinsunod pa rin sa adbokasiyang pang-kalusugan ng Punong Lungsod para sa mga kabataan.

Katuwang din ang mga Day Care Parents sa pagsasagawa ng naturang programa at inaasahang magtatapos ito hanggang Marso sa susunod na taon.

(Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image