#NEWSEVENTS #HILING NA KULAMBO, I OCTOBER 29, 2020



Hiling na Kulambo, Iginawad sa mga Katutubo

June 30, 2017 04:35 PM


Tuwang-tuwa ang mga katutubong Kankanaey na nasa Sitio Batong-Lusong, Villa Floresta sa hatid na insecticide-treated na kulambo ng City Health Office (CHO) at ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kaninang umaga (June 30).
Nagmula sa Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI) ang mga naturang kulambo na bahagi ng kanilang programang Movement Against Malaria katuwang ang Department of Health at LGU.
Ipinagkaloob ang mga kulambo matapos humiling ang mga katutubo sa Community Affairs Office at CHO noong mag-K outreach Program sa nasabing barangay.
Umabot sa 81 residente ang nakatanggap ng kulambo na hindi lang pang-anti-malaria, kundi anumang lamok na dadapo rito ay maaaring mamatay.
Bukod sa kulambo, binigyan din ang mga residente ng tig-iisang bote ng “Waterine”, isang solution na inihahalo sa inuming tubig para mamatay ang bakterya at maging ligtas na inumin.
Binigyan din ng ekstrang kulambo ang mga kababaihang nagdadalang tao at “Buntis pack” na naglalaman ng mga bitamina.
Ayon kay G. JE Dizon, Sanitary Inspector ng CHO, patuloy nilang pagbubutihin ang pag-momonitor ng mga pangangailangan ng mga residenteng nakatira doon upang matugunan ng lokal na pamahalaan at matulungan ang mga residenteng nasa pinakamalalayong parte ng lungsod.
Nagpasalamat naman ang mga katutubo na tinupad kaagad ng lokal na pamahalaan ang kanilang hiling at muli nilang nakasalamuha ang punong lungsod.
(Melody Z. Bartolome)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image