#NEWSEVENTS #K-OUTREACH PROGRAM, NOVEMBER 25, 2020



K-Outreach Program, nagpapatuloy sa iba’t ibang barangay

March 15, 2017 03:25 PM


Anim na barangay na ang nadayo ng K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan simula nitong Pebrero para makapagbigay ng libreng serbisyo, kabilang na ang personal na pakikinig at pag-asikaso ni Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador sa mga hiling at saloobin ng mga residente roon.
Unang umarangkada ang K Outreach sa Barangay Tayabo, sumunod sa Manicla, Kita-Kita, Kaliwanagan, San Juan, at Pinili.
Bukod sa pag-oopisina ng Punong Lungsod sa barangay sa unang araw, nakakasalo rin ng mga taga-barangay si Mayor Kokoy sa isang Boodle Fight. Mahigit isang libong reading glasses na rin ang personal na ipinamahagi at iniabot niya sa mga mamamayan doon.
Kasama rin sa unang araw ng pagbibigay serbisyo ang City Health Office na nagsasagawa ng libreng konsultasyon, dental check-up, namimigay ng libreng gamot, libreng bunot ng ngipin, at nagpoproseso ng sanitary health certificate.
Patuloy rin ang City Nutrition Office na pamimigay ng produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) at iodized salt; City Legal Office para sa legal counselling; City Veterinary Office na namimigay ng libreng bitamina at pampurga sa mga alagang hayop at bakuna kontra rabies.
Ilan pa sa tanggapang kasama sa K Outreach ang CENRO, City Population Office, City Agriculture Office at Sangguniang Panlungsod.
Sa Ikalawang araw ay bumababa sa barangay ang Public Employment Service Office (PESO), City Civil Registrar’s Office, City Library, at Franchising and Regulatory Office,.
Namimigay rin ng bigas ang City Social Welfare and Development Office para sa kanilang “Food for Work” program.
Maging ang tanggapan ni Congw. Mikki Violago ay kasama sa paghahatid ng serbisyo sa bawat barangay, kung saan libreng lugaw o sopas at gupit para sa lahat ang handog ng kinatawan ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija.
Ang K- Outreach Program ng Bagong San Jose ay dadayo sa Palestina sa Marso 16-17 na magsisimula sa ganap na 7:30 ng umaga.
Nakatakda na rin ang pagdala ng naturang programa sa Marso 23-24 sa Sto. Niño 3rd, at sa Marso 30-31 naman sa Sto. Niño 2nd.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image