#NEWSEVENTS #K-OUTREACH PROGRAM, NOVEMBER 28, 2020



K-Outreach Program, Inihatid sa Barangay Camanacsacan

May 30, 2017 08:33 AM


Patuloy sa pagbibigay ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Jose sa pamamagitan ng K- Outreach Program at inihatid ang mga naturang serbisyo sa Barangay Camanacsacan nitong Huwebes at Biyernes, Mayo 25-26.

Sinimulan ang K-outreach program sa pambungad na pananalita ng itinalagang pinuno ng tanggapan ng ugnayang komunidad G. Julio G. Madriaga na sinundan ng mainit na bating pagtanggap ni Barangay Captain Alfredo G. Baldovino. Dumalo rin upang asikasuhin ang mga taga- Camanacsacan si konsehal Nino Laureta na nagbigay din ng kanyang mensahe.

“Piliin nyo na ang mga pangangailangan na nandito po, na mga kawani ng ating lokal na pamahalaan, yung iba pong may mga request o pangangailangan, humihingi ng tulong pwedeng pong lumapit sakin at makausap ako ng personal”, mga salitang binitiwan ni Punong Lungsod Mario Kokoy O. Salvador para sa mga taga Camanacsacan

Kabilang sa mga benepisyo inihatid ay nagmula sa City Nutrition Office, ang pamimigay ng mga produktong may sangkap pinoy at pagtitimbang ng mga batang edad 0-71 buwan; mga punlang puno mula sa City Agriculture Office at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa Proper Waste Segregation mula naman sa City Environment and Natural Resources o CENRO; libreng bakuna kontra rabies at gamutan para sa alagang hayop naman ang serbisyong inihatid ng City Veterinary Office at marami pang ibang serbisyo.

Naghandog rin si Congresswoman Mikki S. Violago ng feeding program at libreng gupit para sa mga kababaihan, ang Philippine Army naman ay nagsasagawa din ng libreng gupit para sa mga kalalakihan. Nagtapos sa tradisyonal na boodle fight ang unang araw ng K Outreach, kung saan ay nakasalo ni Mayor Kokoy ang mga residente sa pananghalian at sa ikalawang araw naman ay masayang nagsipag-uwi ng bigas ang mga taga Camanacsacan na nakilahok sa Food for Work.

Sa linggong ito, Hunyo 1-2 ay nakakasa na ang K outreach Program sa Barangay Villa Floresta.

-Aldritch Pioquinto/ Melody Bartolome



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image