#NEWSEVENTS #K-OUTREACH SA BRGY. NOVEMBER 15, 2019



K-Outreach sa Brgy. Sto. Niño 1st

August 30, 2019 04:16 PM


Maaliwalas na araw ang sumalubong sa mga taga-Brgy. Sto. Niño 1st ngayon (Agosto 30) na lalong pinasigla nang dumayo roon ang K-Outreach Program upang maghandog ng mga libreng serbisyo.

Gaya ng nakasanayan, dala ng K-Outreach caravan ang sari-saring serbisyo gaya ng medical at dental check-up; libreng gamot; pagbabakuna ng mga bata; konsultasyon, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop; paggugupit ng buhok; massage therapy; pamimigay ng mga salamin sa mata, bigas, seedlings; pagpapayo sa family planning, pagtulong sa mga pangangailangan ng mga senior citizen; at marami pang iba.

Para magbigay suporta, hindi pinalampas ng ilang opisyales ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador ang pakikisaya sa okasyon.

Nakiisa rin dito si Kapitan Roderick L. De Leon at iba pang mga opisyal ng barangay.

Isa namang masaya at masiglang boodle fight ang pinagsaluhan na naging hudyat sa pagtatapos ng aktibidad.

Nasa listahan na rin ang iba pang mga barangay na dadayuhin ng naturang programa sa mga susunod na linggo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image