#NEWSEVENTS #K-OUTREACH, DUMAYO S NOVEMBER 15, 2019



K-Outreach, dumayo sa Brgy. Villa Joson

August 16, 2019 04:19 PM


Maaliwalas ang araw na ito (Agosto 16) kaya naman ganadong dumayo ang K-Outreach Program para maghandog ng mga libreng serbisyo sa Brgy. Villa Joson.

Ito na ang ika-apat na K-Outreach matapos na maihalal si Mayor Kokoy Salvador para sa kanyang ikalawang termino. Nauna na ang Brgy. Tabulac, Brgy. Tayabo, at Brgy. Abar 2nd at isusunod na ang iba pang mga barangay.

Dala ng K-Outreach caravan ang sari-saring serbisyo gaya ng medical check-ups, konsultasyon at gamutan para sa mga alagang aso, pagbabakuna ng mga bata, pamimigay ng mga seedlings, feeding program, massage & therapy, pamimigay ng mga salamin sa mata, pamimigay ng bigas, pagpapayo sa family planning, at marami pang iba.

Dumating doon ang ilang opisyales ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador. Nakisaya din ang mga lider at pinuno ng barangay na si Kapitan Engracia B. Sabatin.

Isang masaya at masiglang boodle fight ang naging hudyat ng pagtatapos ng aktibidad na pinagsaluhan ng lahat ng dumalo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image