#NEWSEVENTS #KABATAANG SAN JOSENI SEPTEMBER 27, 2020



Kabataang San Josenians, nagpagalingan sa Chorale Competition

December 06, 2016 05:42 PM


Nagpamalas ng talento ang mga Elementary at High School students mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa isinagawang Chorale Competition qualifying round nito lamang Biyernes sa City Social Circle.

Nagwagi sa round na ito ang mga pambato mula sa Gracious Shepherd Christian Academy, Sto. Nino 3rd National High School, Porais Elementary School, Habitat Elementary School, at San Jose East Central School.

Tumanggap ng cash prize at sertipiko ang mga nagsipagwagi na maglalaban-laban naman sa final round sa Disyembre 17, kasama ang mga magwawagi pa sa darating na Biyernes.

Sa panayam ng PIO news team kay Dysebel P. Sumiquiab, estudyante mula sa Sto. Nino 3rd National High School, maganda umano ang ganitong aktibidad para sa mga kabataan dahil nag-e-enjoy na sila, nahahasa pa ang kanilang talento, at maiiwas pa sila sa masasamang bisyo.

Ito’y ilan lamang sa mga programang pangkabatan ng Pamahalaang Lokal bilang pagpapakita ng suporta sa sektor na kanilang kinabibilangan, at para iparamdam sa kanila ang pagpapahalaga ng Lokal na Pamahalaan na kabilang sa adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador para sa Bagong San Jose.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image