#NEWSEVENTS #LIGA NG BARANGAY MEE AUGUST 12, 2020



Liga ng Barangay Meeting | 10 January 2017

January 11, 2017 05:22 PM


Isinagawa ang unang pagpupulong ng mga punong barangay noong ika-10 ng Enero na ginanap sa City Hall Conference Room.

Isa sa naging panauhin sa naturang pulong si P/Supt. Reynaldo dela Cruz, San Jose City PNP Chief at dito ay tinalakay niya ang planong pagdala sa mga sumukong drug users sa bagong rehab center sa Fort Magsaysay.

Ayon pa kay P/Supt. dela Cruz magtatalaga umano ng kapulisan sa mga barangay na naitalang may mataas na kaso ng kriminalidad.

Ipinahayag naman ni City DILG Director Rowena Adriano na patuloy pa rin ang pagpaskil ng mga dokumento sa mga barangay hall upang malaman ng mga mamamayan ang paggamit ng pondo ng barangay.

Dumalo rin sa pulong ang kinatawan ng City Agriculture Office na si G. Edgar Bustamante upang ipagbigay alam sa mga kapitan na patuloy pa rin ang pamamahagi ng kanilang tanggapan ng mga kambing at lason ng daga.
-Jasmine Soro



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image