#NEWSEVENTS #LOKAL NA PAMAHALAAN, SEPTEMBER 29, 2020



Lokal na Pamahalaan, Pinarangalan ng DENR

December 19, 2017 06:37 PM


Isa na namang karangalan ang natanggap ng Lungsod San Jose at ngayon ito ay nagmula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa maigting na pagsunod at pagpapatupad ng mga alituntunin sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang parangal na ito ay pagkilala sa mga Lokal na Pamahalaan na nagpapatupad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at pagsuporta sa Manila Bay Rehabilitation Program, kung saan pumangalawa ang lungsod sa tatlong siyudad na pumasa sa Regional Level Environmental Compliance Audit sa buong Region 3.

Sa lalawigan ng Nueva Ecija, tanging ang San Jose City lamang ang nagkamit ng nasabing pagkilala.

Tinanggap ni Punong Lungsod Kokoy Salvador at City Environment & Natural Resources Officer Trina Cruz ang parangal nitong Lunes, December 18, kasabay ng pagdiriwang ng Manila Bay Day na ginanap sa Pasay City, Metro Manila.

Ayon naman kay Mayor, mas paiigtingin pa ang pagpapatupad sa mga batas sa pangangalaga sa kalikasan para sa ikabubuti ng mga mamamayan ng San Jose at sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon. Nagpasalamat rin ang Punong Lungsod sa mga San Josenians na sumusunod at tumutulong sa pangangalaga sa kalikasan.

(Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image