#NEWSEVENTS #LUNGSOD NG SAN JOSE, SEPTEMBER 29, 2020



Lungsod ng San Jose, nagningning para sa Kapaskuhan

November 22, 2016 01:47 PM


Nagliwanag at nagningning ang Lungsod ng San Jose matapos buksan ang makukulay na pailaw dito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, nito lamang Biyernes (Nobyembre 18).

Dumagsa at nakisaya ang libo-libong San Josenians sa isinagawang Lighting Ceremony at maging ang mga kababayan nating nasa ibang bansa ay nakisaya rin sa pamamagitan ng facebook live streaming, na mas lalo pang pinatingkad ng iba’t ibang performance ng mga kilalang mang-aawit at mananayaw mula sa lungsod at maging sa ibang lugar.

Kabilang sa mga nagpamalas ng talento ang Thomasian Chamber Choir, CLSU Masters Choir, DepEd and SJC West Central Choir, Big Trio at pinagsanib na grupo ng CLSU Student Cultural Society (SJC) at Gintong Ani Philippines.

Tampok din dito ang inaabangang official launching ng Christmas Jingle at Music Video ng lungsod na pinamagatang “Maligayang Pasko sa Bagong San Jose” na kinanta ng SJC Pop Idols.

Taos puso namang nagpasalamat ang butihing Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador sa mga San Josenians na dumalo sa naturang programa sa kanilang pakikiisa at pagpapakita ng suporta.

Sa mensahe ni Mayor, sinabi nyang ang pailaw sa City Hall ay magsisilbing ilaw para sa kanilang mga lingkod bayan upang lalo pang makita ang mga dapat pang gawin para makatulong sa mga mamamayan ng lungsod at para makita ang mga suliranin na dapat gawan ng aksyon ng sama-sama at nagkakaisa para sa ikapagtatagumpay ng Bagong San Jose.

Kasabay nito, pormal ding binuksan ang Christmas Bazaar kung saan iba’t ibang mga paninda ang mabibili rito na matatagpuan sa paligid ng City Hall at magtatagal hanggang Disyembre 29.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image