#NEWSEVENTS #MGA KAWANI NG LGU, N OCTOBER 29, 2020



Mga kawani ng LGU, napagkalooban ng libreng check-up sa mata

July 18, 2017 04:32 PM


Matapos ang tatlong taon, muling naghandog ng libreng "Eye Check Up & Minor Treatment” ang Vision Medix Eye Clinic para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod nitong Huwebes at Biyernes (July 13-14) na ginanap sa OCM Conference Room.

Sa pangunguna ni Optometrist and Eye Care Specialist Dra. Sylvia Laura Mirasol kasama ang iba pang doktor ng naturang clinic, sinuri ang mga mata ng mahigit kumulang 300 kawani kabilang na sina City Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Macadangdang.

Naghandog rin ang Vision Medix Eye Clinic ng Free Eye Wash na anila’y dapat ginagawa ng dalawang beses sa isang linggo upang malinis ang mata.

Nagpasalamat naman ang Punong lungsod sa serbisyong ipinagkaloob ng nasabing clinic. Malaking tulong aniya ito para sa mga empleyado lalo na sa mga maghapong nakatutok sa computer.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image