#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS NOVEMBER 15, 2019



Second Quarter Earthquake Drill, isinagawa

June 27, 2019 04:57 PM


Muling nagsagawa ng pagsasanay ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) katuwang ang City Health Office (CHO), at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa quarterly National Simultaneous Earthquake Drill.

Isinagawa ang naturang aktibidad nitong ika-21 ng Hunyo kung saan aktibong nakilahok at binigyan ng pagsasanay ang mga empleado ng FICO Bank.

Bukod sa ‘duck, cover and hold’, kabilang sa drill ang evacuation scenarios; search, rescue, and retrieval operations; emergency medical response; at iba pa.

Isinasagawa ang drill para itaas ang kaalaman ng publiko sa panahon ng sakuna at maging handa kung sakaling tumama ang malakas na lindol.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image