#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS NOVEMBER 15, 2019



K Outreach Program, muling umarangkada

July 18, 2019 04:53 PM


Nag-umpisa na namang mamayagpag ang K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan, at nito lamang umaga (Hulyo 18), ginawang buwena-mano ng programa ang Brgy. Tabulac para handugan ng iba’t ibang serbisyo ang mga residente roon.

Gaya ng kalimitang ginagawa, dumayo sa naturang barangay ang iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan. Ilan sa hatid nilang serbisyo ay libreng salamin sa mata, paggugupit, pamumudmod ng mga seedlings, konsultasyon sa kalusugan, pamamahagi ng mga gamot at bitamina, pagtulong sa mga pangangailangan ng senior citizens, pamimigay ng bigas, at marami pang iba.

Dumating at nagbigay ng mensahe si Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang. Nakisaya rin ang ilang konsehal mula sa Sangguniang Panlungsod na sina Dr. Susan Corpuz, Patrixie Salvador, at Atty. Ronald Lee Hortizuela.

Ito ang kauna-unahang K-Outreach na isinagawa matapos maiproklama si Mayor Kokoy para sa kanyang ikalawang termino.

Nagkaroon naman ng masagana at masayang boodle fight matapos maibigay ang mga libreng serbisyo sa mga mamamayan. Nakisalo rin ang mga opisyales ng barangay sa pamumuno ni Kapitan Rodrigo A. Dayap.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image