#NEWSEVENTS #NEWSEVENTS NOVEMBER 20, 2019



K-Outreach, dumayo sa Brgy. Tayabo

July 26, 2019 04:26 PM


Dinagsa ng maraming mamamayan sa Brgy. Tayabo ang pagdating doon ng K-Outreach Program nitong umaga (Hulyo 26) sa kanilang covered court. Bumaba sa kanilang barangay ang ibat-ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan upang maghandog ng sari-saring serbisyo.

Ang programa ay nagpamigay ng libreng bigas, mga seedlings ng fruit trees, mga gamot, mga pagkain, at marami pang iba. Bukod sa mga ito, nagbigay din sila ng libreng konsultasyon, libreng gupitan at masahe, storytelling para sa mga bata, pagbabakuna ng mga alagang aso, medical check-up, at pagpapayo sa family planning.

Dumayo din sa nabanggit na lugar si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, at mga konsehales ng Sangguniang Panglungsod na sina Trixie Salvador, Niño Laureta, Susan Corpuz at Atty. Ronald Lee Hortizuela. Kagaya ng kalimitang ginagawa, nagbigay sila ng kani-kaniyang pampasiglang mensahe para sa mga taga-Tayabo.

Nagtapos sa isang masayang boodle fight ang aktibidad na nilahukan naman ng mga opisyales at mga mamamayan kasama ang mga lider ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Teodorico C. Barlicos.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image